-- Advertisements --

Pinuna ni ML Representative Leila de Lima ang naging pahayag ni Sen Robin Padilla kaugnay ng posibleng pagharang sa pagbuo ng impeachment court sakaling umabot sa Senado ang kaso laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay De Lima, hindi dapat maging “obstructionist” ang minorya sa Kongreso, bagkus ay dapat magsilbing bantay sa proseso at tutulan lamang ang mga kuwestyonableng hakbang.

Iba aniya ang fiscalization sa outright obstruction at hindi aniya tungkulin ng minorya ang hadlangan ang lahat ng proseso.

Sinusuportahan ni De Lima ang isa sa mga impeachment complaint laban sa Bise Presidente, na may kaugnayan sa umano’y misuse ng confidential funds at pagbabanta sa Pangulo at kanyang pamilya.

Matatandaang nagdeklara ng probable cause ang House Committee on Justice sa mga reklamo, na posibleng magbukas ng daan para sa paglilitis sa Senado. (report by Bombo Jai)