-- Advertisements --
Nagbabadya ang panibagong taas-presyo sa susunod na linggo simula Mayo 5 matapos ang magkakasunod na linggong bawas-presyo.
Inaasahan na tataas ang presyo ng diesel ng P1 hanggang P2 kada litro.
Posible rin umanong madagdagan ng P2 hanggang P3 kada litro ang gasolina, na magiging ikalawang sunod na linggo ng price increase.
Batay ang naturang pagtataya sa galaw ng trading ngayong linggo sa Mean of Platts Singapore, na siyang batayan ng presyo ng refined petroleum products sa Southeast Asia.
Inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa araw ng Lunes at ipatutupad sa araw ng Martes.















