Pasok na ang New York Knicks sa Eastern Conference semifinals matapos nitong pahiyain ang Atlanta Hawks sa sarili nitong homecourt.
Tinambakan ng Knicks ng 51 points ang Hawks sa pamamagitan ng halos 60% na field goal efficiency. Sa 85 field goal attempts ng New York, 50 dito ang pumasok, kasama ang 27 free throws.
Walang naisagot ang Hawks sa efficient shooting ng Knicks kung saan sa unang quarter pa lamang ay nakapagpasok na ang koponan ng 40 points at tanging 15 points lamang ang nagawa ng Atlanta.
Gumawa pa ng 43 points ang Knicks sa 2nd quarter habang 21 lamang ang naisagot ng Atlanta.
Sa huling 16 mins ng dalawang quarter, gumawa ang Knicks ng 63-11 run para iposte ang 47 points na kalamangan, 36-83.
Hindi pa ito natapos sa 3rd quarter kahit pa tuluyan nang nagpahinga ang mga starter ng New York.
Sa huli, tinapos ng Knicks ang laban sa score na 140 – 89.
Nanguna sa panalo ng New York ang bagitong forward na si OG Anunoby na kumamada ng 29 points, pitong rebounds, at apat na steal. Nagposte rin ng triple-double ang bigman na si Karl-Anthony Towns: 12-11-10, kasama ang tatlong steal.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng Knicks ang makakalabang team sa 2nd elimination round. (report by Bombo Genesis)
















