Matteo Guidecilli
Matteo Guidecelli

Masayang ibinahagi ni Matteo Guidecelli sa kaniyang mga fans ang pagiging reservist nito ng Philippine Army.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang larawan nito na nakasuot ng army uniform at sinasaluduhan ng 29-anyos si MGen. Bernie Langub, commander ng ARESCOM.

Sinabi pa nito na kaya siya sumali sa army ay dahil mahal niya ang kaniyang bansa.

Makikita ang ranko na inilagay malapit sa puso na nangangahulugan na ito dapat may puso ang sinumang magsisilbi sa bansa.

Bago ang pagpasok nito sa army reservist ay sumali na rin ito bilang Philippine Coast Guard Auxiliary noong Marso kasama ang kapwa artista na sina Erwan Heussaf at Nico Bolzico.