Humaharap sa patong-patong na kaso ang limang mga Pinoy at 11 banyaga dahil sa umano’y paglabag ng mga ito sa Anti-Dummy Law.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek ay sinampahan na ng NBI-Anti-Fraud Division (NBI-AFD) ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang mga suspek na kinabibilangan daw ng high-ranking official ng Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA).
Kinilalal ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mg suspek na sina MCIAA General Manager at Chief Executive Officer Atty. Steve Dicdican; ang mga opisyal ng GMR Megawide Cebu Airpot Corp. (GMCAC) Filipino officers na sina Manuel Louie Ferrer, Edgar Saavedra, Oliver Tan, JZ dela Cruz at mga foreign national officers na sina Srivinas Bommidala (Indian), P. Sripathy (Singaporean), Vivek Singhai (Indian), Andrew Awquaa-Harrison (Ghananian), Ravi Bhatnagar (Indian) Ravishankar Saravu (Indian), Michael Lenane (Irish), Sudarshan MD (Indian), Kumar Gaurav (Indian), Magesh Nambiar (Indian) at Rajesh Madan (Indian).
Ang reklamo ay nag-ugat umano sa reklamo kaugnay ng pag-award sa operation at management ng Mactan Cebu International Airport na iginawad sa GMCAC sa ilalim ng 25-Year Concession matapos manalo sa bid na nagkakahalaga ng P14.4 billion.
Ang concession ay para sa expansion at operation ng MCIA na kinabibilangan ng konstruksiyon sa bagong passenger terminal kasama ang lahat ng associated infrastructure facilities; rehabilitation at expansion na dating terminal kasama rin ang associated infrastructure and facilities; installation ng required information technology at iba pang mga kagamitan na may kinalaman sa operasyon ng paliparan.
Kasama rin dito ang operation at maintenance ng parehong passenger terminals sa concession period.
Ang GMCAC na consortium sa pagitan ng Megawide Construction Corporation (MEGAWIDE) at GMR Group Megawide ay kumpanya na incorporated sa ilalim ng Philippine Laws habang ang GMR Group ay foreign infrastructure company.
Iginiit ng mga nagreklamo na ang mga suspek ay nagsabwatan para sa naturang proyekto na paglabag sa 1987 Constitution at the Anti-Dummy Law.
Nakasaad din sa complainant na base sa mga ebidensiya ang nag-o-operate, nag-a-administer at nagma-manage sa MCIA ay isang non-Filipinos partikular ang mga Irish, Ghanaian at ilang Indians na mayroong mas malaking kontrol, enjoyment sa Philippine public utility.
Ang pag-o-perate daw ng mga banyaga ay aprubado ng mga Filipino officers ng MCIAA at GMCAC partikular sina Dicdican, Saavedra, Ferrer, Tan at Cruz.
Sa mga nakalap na ebidensiya, lumalabas na ang mga foreign nationals ay mayroong executive at managerial positions sa kumpanya.
Dahil dito agad nagsampa ang NBI-AFD ng kaso laban sa mga suspek sa Prosecutor General at DoJ dahil sa paglabag sa Section 2-A ng Anti-Dummy Law.
Si Atty. Dicdican ma siyang general manager at CEO ng MCIAA ay nasampahan din ng hiwalay na kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.