CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-9) ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF sa Laguindingan Airport Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Margaritta Valle, 61, na umano’y first deputy secretary ng National Democratic Front-Northeastern Mindanao Region.

Sinabi ni Capt. Rorry Tabuclin, chief of police ng Languindingan PNP na hinuli si Valle sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong arson, multiple murder with quadruple frustrated murder and damage to government property.

Ayon kay Tabuclin dinala na si Valle sa tanggapan ng CIDG sa Zamboanga.