-- Advertisements --

Nasakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang mahigit P307 million na halaga ng ‘hoarded’ sugar sa isang warehouse sa Bulacan.

Ito ay bilang pag-papaigting sa operasyon ng gobyerno kontra smuggling at iba pang ilegal na aktibidad na may kinalaman sa mga produktong pang-agrikultura.

Kabilang sa nadiskubre ay 95,568 na sako ng bigas sa loob ng isang warehouse sa Meycauayan City, Hachuela.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group officer-in-charge Police Col. Ranie P. Hachuela, ilegal umano ang pag-iimbak nito ng agricultural products .

Malaki rin ang epekto nito sa presyo ng mga produkto sa merkado.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit at iba pang pulis unit.

Katuwang ng mga otoridad sa pagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan mula sa Department of Agriculture Inspectorate Enforcement at Sugar Regulatory Administration.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.