-- Advertisements --
Kinumpirma ng Al-Qaeda ang pagkasawi ng kanilang senior officer na nakabase sa Yemen dahil sa umanoy airstrike ng US.
Ayon sa SITE Intelligence Group na nasawi si Hamoud al-Tamimi na siyang itinuturing bilang top leader na Al-Qaeda sa Arabian Peninsula (AQAP).
Nakiklala rin siya bilang si Abdel Aziz al-Adnani sa Saudi Arabia na nasawi sa drone strike noong Pebrero 26.
Sa nasabing strike ay tinarget ng mga otoridad ang bahay nito sa Marib province sa Yemen.
Ayon pa sa AQAP official na si Tamimi ay nakulong ng apat na taon sa Saudi Arabia bago bumiyahe sa Yemen noong 2013 kung saan binalak nitong magsagawa ng atake sa mga pangunahing vital installation ng US.