Sinimulan na ng Russia ang mass coronavirus vaccination campaign.

Sinabi ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu, target nilang mabakunahan ang nasa 400,000 na mga servicemen.

Una nang natapos nila na mabakunahan ang nasa 2,500 na sundalo kung saan target sunod nilang mabakunahan ang nasa 80,000 na mga sundalo sa pagtatapos ng taon.

Magugunitang ipinagmalaki ng Russia na mayroong mahigit 90 percent ang effectivity rate ng kanilang bakunang Sputnik V.

Ang nasabing bakuna na nairehistro noong Agosto at kasalukuyang sumasailalim sa ikatlo at final stage trials sa may 40,000 na mga volunteers.