-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang isinasagawang mass testing sa lungsod ng Paranaque.
Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, umabot na sa kabuuang 678 lamang ang kanilang naisagawa kahapon na mga testing ang kanilang isinagawa sa limang testing site.
Umaabot na rin sa 45,833 ang kabuuang bilang na kanilang naisasailalim sa testing.
Sa kasaslukuyan ay mayroong 3,247 na kaso ng coronavirus ang naitala sa lungsod kung ssan 2,503 ang gumaling at 93 naman ang nasawi.
Patuloy rin ang isinasagawang panawagan ng alkalde sa mga mamayan nila na obserbahan ang ipinapatupad na health protocols.














