Namonitor ng Armed Forces of the Philippines ang dalawampu’t pitong Chinese vessels sa ilang bahagi ng West Philippine Sea mula Setyembre 1 hanggang 7.
Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga namonitor ang mga barko ng Chinese Navy o People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard.
Sa Ayungin Shoal, isang PLAN vessel at apat na CCG vessels ang namonitor; sa Bajo de Masinloc, apat na PLAN at 10 CCG vessels; habang tatlong PLAN at tatlong CCG vessels naman ang nakita sa Escoda Shoal. Dalawang China Coast Guard vessels naman ang namonitor sa Pag-asa Islands.
Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa malawak na pag-aangkin ng China sa South China Sea, kabilang ang mga bahaging inaangkin ng Pilipinas.
















