masbate quake

LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 4.4 na lindol ang ilang bahagi ng Masbate dakong alas-6:45 kaninang umaga.

Batay sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro nito sa layong walong kilometro sa Timog-Silangang bahagi ng bayan ng Pio V. Corpus sa island province.

May lalim itong 30 kilometro at tectonic in origin.

Naramdaman din ng mga instrumento ang Intensity 1 sa Masbate City at Legazpi City.

Samantala, hindi naman inaasahan ang mga kasunod na aftershocks habang wala ring naidulot na pinsala ang naturang pagyanig.