-- Advertisements --

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na balik operasyon ang Masbate Airport para i accommodate ang mga byahe at mga pasahero.

Sa datos na inilabas ng ahensya, aabot sa P10M hanggang P15M ang halaga ng tulong na natamo ng naturang paliparan dahil sa bagyong Opong.

Matapos ang bagyo ay kaagad namang isinagawa ang paglilinis at pagpapatupad ng safety measures para matiyak ang kaligtasan ng mga byahero.

Tiniyak rin ng CAAP ang pagkakaroon ng sapat na repair supplies at pinalakas ang kanilang mga kagamitan para sa pangangailangan sa hinaharap.

Sa kabila nito, nilinaw ng CAAP na nakadepende pa rin sa mga airline companies kung kailan nila ibabalik ang kanilang mga byahe

Siniguro rin ng ahensya sa publiko ang kanilang commitment ng pagbibigay ng ligtas , maaasahan at efficient na air travel para sa lahat.