Lakers Lebron James LA
LeBron James
-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ni LeBron James at Los Angeles Lakers na magkakaroon ang mga ito ng rejuvinated mindset sa pagbabalik ng bagong NBA season.

Mayroon din umanong bagong roster sa koponan ngayong season.

Kampante si James na magbebenepisyo ngayon ang Lakers dahil sa kanyang extra rest mula noong nakaraang season.

Si James at Anthony Davis kasi na superstars ng Lakers ay nagtamo ng long-term injuries na naging dahilan ng maaga nilang pagkabigo sa opening round pa lamang ng post-season.

Pero ngayon kabilang sa kanilang nadagdaga ay ang dating MVP na si Russell Westbrook.

-- Advertisement --