-- Advertisements --

Binabalak umano ng NBA na paagahin ang petsa ng muling pagbabalik ng mga laro sa sinuspindeng regular season dahil sa COVID-19 pandemic.

Batay sa ulat, pinaplano umano ng liderato ng liga na mula Hulyo 31, i-adjust ang nakatakda nitong comeback ng isang araw, Hulyo 30.

Hindi naman magbabago ang magiging venue ng mga laro sa Disney campus sa Orlando, Florida, maging ang 22-team format na lalahok sa tigwawalong laro.

Sa posibleng timetable naman, maaaring malaglag ang anim na teams matapos ang 35 hanggang 40 araw batay sa play-in elimination, at nasa walong koponan na lamang ang mananatiling matatag pagkatapos ng 53 araw.

Posible namang idaos ang finals matapos ang maximum na 82 araw.

Pero sa ngayon, pinaplantsa pa raw ng liga ang ilan pang mga detalye, lalo na ang health at safety protocols.