-- Advertisements --

Tinututukan ngayon ng Cebu City Emergency Operations Center(EOC) na taasan pa ang pagpapatupad ng surveillance mass testing sa mga lugar nitong lungsod na mataas ang kaso ng COVID-19 upang ma trace ang mga panibagong naitala.

Iminungkahi pa ni Dr. Mary Jean Loreche, chief pathologist at spokesperson ng Department of Health-7 na ipatupad ang agresibong surveillance testing, tracing, at isolation upang malabanan ang kamakailang pagtaas sa kaso ng nasabing virus.

Sinuportahan naman ni DENR Sec. at Task Force COVID Cebu overseer Roy Comatu ang nasabing ideya.

Maliban pa, inihayag ng isang infectious disease expert Dr. Brian Albert Lim na inaasahan na ng mga virologist at medical practitioners ang pagtaas nito sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Ipinaliwanag din ni Lim na tatagal sa 5 hanggang 14 araw na mag-incubate ang isang virus kaya dapat na obserbahan ito sa loob ng dalawang linggo.

Samantala, base pa sa pinakahuling data na inilabas ng DOH kahapon, muling tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng virus nitong lungsod na umabot na sa 330.

Matatandaan na sa pagpasok sa buwan ng Nobyembre, mas mababa nalang ito sa 200 kaso.