-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Tino ang lakas nito habang tinatahak ang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ang bagyo sa may 1,690 kilometers ng East Northeastern Mindanao.

Mayroong taglay pa rin na lakas ng hangin na 55 kph at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Nakataas ang signal number 4 sa El Nido, Taytay, Araceli sa Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Island.

Signal number 3 naman ang Dumaran, San Vincente, Roxas sa Palawan; Buruanga, Malay at Antique sa Aklan kabilang na ang Caluya Islands.

Habang signal number 2 naman ang mga lugar ng Santa Fe, Santa Maria, Looc, Alcantara, Odiongan, San Jose, Ferrol sa Romblon; Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong sa Oriental Mindoro; Magsaysay, San Jose, Rizal, Calintaan sa Occidental Mindoro; Puerto Princesa City sa Palawan kasama na ang Cagayancillo Islands; natitirang bahagi ng Aklan ; Sapi-An, Ivisan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumalag, Panitan, Sigma, Roxas City, Dao, Mambusao, Dumarao, Jamindan, Tapaz sa Capiz; Calinog, New Lucena, Maasin, Oton, Pavia, Dueñas, Barotac Nuevo, Guimbal, Iloilo City, Tigbauan, Anilao, San Miguel, Leon, Mina, Santa Barbara, Barotac Viejo, Leganes, Dingle, Zarraga, Bingawan, Cabatuan, Alimodian, Dumangas, San Joaquin, San Rafael, San Enrique, Badiangan, Banate, City of Passi, Pototan, Lambunao, Lemery, Tubungan, Igbaras, Janiuay, Miagao sa Iloilo ; Guimaras; (Isabela, La Carlota City, Candoni, Bago City, Enrique B. Magalona, City of Sipalay, Valladolid, San Enrique, Ilog, City of Kabankalan, Hinigaran, Bacolod City, La Castellana, Moises Padilla, Cauayan, Murcia, Binalbagan, Silay City, Pulupandan, City of Himamaylan, Hinoba-An, City of Victorias, City of Talisay, Pontevedra sa Negros Occidental.

Nakataas ang Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Islands; natitirang bahagi ng Oriental Mindoro; ,Buenavista, Gasan sa Marinduque; natitirang bahagi ng Romblon; Mandaon, Milagros, Balud, Cawayan, Placer, Esperanza sa Masbate; Aborlan, Quezon, Narra, Sofronio Española sa Palawan at Kalayaan Islands; Cebu kabilang ang sa Bantayan Islands; natitirang bahagi ng Iloilo, Capiz, Negros Oriental, at natitirang bahagi ng Negros Occidental.

Asahan ang malawakang pag-ulan sa mga lugar na nabanggit at inaasahan ang muling pag-landfall ng bagyo sa northern Palawan sa umaga ng Nobyembre 5 bago dumiretso sa West Philippine Sea.