
Sinimulan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang imbestigasyon ang dahilan ng sunog sa MV Lady Mary Joy 3 na ikinasawi ng humigit-kumulang 30 katao.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia sa ilalim ng Special Order No. 364-23.
Inatasan ng MARINA ang kanilang personnel na magsagawa ng surveys sa lahat ng barko na pinapalakad ng kompaniyang Aleson Shipping Lines gayundin ang pagpapaigting pa ng monitoring sa lahat ng vessels sa ating bansa.
Liban pa dito, ipinag-utos na rin ng ahenisiya sa Aleson Shipping Lines Inc. na tugunan at magpaabot ng tulong para sa mga biktima ng sunog , tulungan ang mga survivor na nangangailangan ng medical attention, pinansiyal na tulong at anumang assistance para sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi sa naturang insidente.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Marina sa iba’t ibang ahensiya ng gobyenro para makakalap ng mga impormasyon at para sa serch and rescue operations kaugnay sa naturang trahedya.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang kompaniya sa mga pamiya at mahal sa buhay ng mga biktima ng sunog sa naturang barko.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa kabuuang 252 individuals ang apektado sa nangyaring sunog kabilang ang 205 pasahero, 35 crew members, 8 personnel mula sa Philippine Army, at 4 mula sa PCG.
Mayroong 216 survivors habang 7 pa ang kasalukuyang nawawala.
















