Nawalan ng tirahan ang nasa 40 pamiliya matapos ang naganap na sunog sa residential area ng Barangay San Martin de Porres sa lungsod ng Quezon City.

Naganap ang sunog dakong 12:23 ng umaga ng Martes na umabot pa sa ikatlong alarma.

Umabot aniya sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ito.

Sa inisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) nanggaling ang sunog sa isang bahay na gumagamit lamang ng kandila.