Maraming mga residente sa probinsiya ng Khuzestan sa Iran ang lumikas dahil sa malawakang pagbaha.

Umabot na sa 45 katao ang patay sa mahigit dalawang linggong malakas na pag-ulan.

Nakaranas ng matinding pagbaha ang 23 sa 31 kabuuang probinsya ng bansa.

Javad Zarif Twitter

Hindi naman maiwasan ni Foreign Minister Javad Zarif na sisihin si US President Donald Trump dahil sa ipinatupad nitong US sanctions na nagresulta sa pagkaantala ng mga tulong.