-- Advertisements --

Nakataas na ang tropical cyclone wing Signal No. 1 sa maraming lugar sa bansa dahil sa bagyong Verbena.

Ito ang dating Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao na unang namataan noong nakaraang linggo.

Namataan ito sa layong 330 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

May maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro, at bugso ng hangin na umaabot sa 55 km/h.

Kumikilos awng bagyong Verbena nang pakanluran sa bilis na 30 km/h.

Signal No. 1
LUZON
Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Magsaysay, San Jose)
Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong)
Romblon
Mainland Masbate

VISAYAS
Gitna at timog bahagi ng Eastern Samar (Borongan, Guiuan, at iba pa)
Gitna at timog bahagi ng Samar (Catbalogan, Basey, Calbiga, at iba pa)
Biliran, Leyte, Southern Leyte
Hilaga at gitna ng Cebu kabilang ang Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu, Carcar, Naga, Toledo, Talisay, Bantayan Islands, at Camotes Islands
Bohol
Hilagang bahagi ng Negros Occidental (Bacolod, Silay, Victorias, Cadiz, Sagay, San Carlos, at iba pa)
Hilagang bahagi ng Negros Oriental (Guihulngan, Canlaon, Vallehermoso, at iba pa)
Iloilo, Capiz, Aklan, Antique (kasama ang Caluya Islands) at Guimaras

MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Tandag, Cantilan, Madrid, at iba pa)
Hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Cabadbaran, Tubay, Santiago, at iba pa)