-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dahil  siya ang nagpasimula ng usapin ng pagpanagot sa mga indibidwal na nagpasasa sa pera ng taongbayan kaugnay ng maanomalyang flood control projects, siya rin ang tatapos nito.

Binigyang-diin ng Pangulo na walang espesyal na pagtratong gagawin sa mga indibidwal na naisyuhan ng warrant of arrest ng Office of the Ombudsman.

Nuong Biyernes, inanunsiyo ng Pangulong Marcos na kabilang si dating Rep. Zaldy Co at 17 iba pa sa DPWH at Sunwest Corporation ang mayruon ng warrant of arrest.

Ayon sa Pangulo, asahan ng publiko na walang tigil ang ginagawa nilang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso batay sa mga ebidensiya.

Kasabay nito ay nagpasalamat  naman ang pangulo sa pasensya ng publiko. 

Nagbunga na  aniya ng resulta ang mga pasensyang ito.

Hindi aniya haka-haka at hindi kwento ang inilabas na arrest warrant kundi  base sa mga ebidensiya.