Binalewala lamang ng Malacañang ang panawagan ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa drug test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro na maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pumatol sa parehas na hiling noong anim na taong panunungkulan nito.
Dagdag pa nito na sinabi noon ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maaring utusan ang Pangulo ng bansa na sumailalim sa drug test.
Magugunitang noong Agosto 2018 ng ibinasura ni Roque ang panawagan noon ni dating Senador Antonio Trillanes IV na sumailalim si Duterte kasama ang pamilya nito ng drug test.
Ang nasabing panawagan ay matapos na inamin ni Duterte na ito ay gumagamit ng marijuana para manatiling gising na kalaunan ay binawi din nito.
















