Nagmistulang malaking streetparty ang maraming bahagi ng Canada at inaabangan ang paghaharap sa kauna-unahang pagkakataon ng Toronto Raptors kontra Golden State Warriors sa NBA Finals.

Maraming mga fans ang nag-camp out na sa Scotiabank Arena kung saan gaganapin ang Game 1 ng NBA Finals.

Nagtayo na rin ng mga free live viewing ang ilang mga malalaking establishemento sa Canada bilang suporta sa Raptors.

Maging ang sikat na Jurassic Park sa Ontario ay napuno ng tao dahil sa magkakaroon ng wide-screen showing ng laro.

Inanunsiyo mismo ni Ontario Mayor Bonnie Crombie na pinayagan silang gawing celebration square ang Jurassic Park West.

Sold-out na rin ang tickets sa game one kung saan sa halos 20,000 na capacity ng Scotiabank Arena ay wala ng mabibilhan ng tickets.

Maging mga Filipino na nasa U.S. at Canada ay nagpakita na rin ng suporta sa kani-kanilang mga koponan.

Marami sa kanila ang nakapila sa mga venue kung saan gagawin ang live showing ng laro kung saan nakasuot ang mga ito ng mga damit ng kanilang sinusuportahang koponan.