Nagdagdag pa ng manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa pagsabak nila ng first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ito ay sa katauhan nina Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces.

-- Advertisement --

Si Manuel ay naging bahagi na ng SEA Games kung saan naging coach si Tim Cone noong nakaraang taon habang si Tratter ay nakasama na rin sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Papalitan ng dalawa sina Christian Standhardinger at Mac Belo na umatras sa torneo dahil sa may iniindang injury ang mga ito.

Nauna ng kinuha ng Gilas si Phoenis Pulse Justin Chua na papalit kay Japeth Aguilar dahil ito ay nasa honeymoon.

Ang nasabing mga manlalaro ay karagdagang puwersa sa mga origihinal na napili na sina Poy Erram, Isaac Go, Marc Pingris at Troy Rosario.

Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 na makakaharap ng mga ito ang Thailand at susundan ng Indonesia sa Pebrero 23.