Walang problema para kay WBO welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na lalaban sa kauna-unahang pagkakataon sa isang open stadium sa Australia.

Ang laban ni Pacquiao kay Jeff Horn sa Brisbane ay gaganapin sa Suncorp Stadium.

Sinabi ni Pacquiao na gustong gusto niya ang klima doon at wala siyang nakikitang problema kapag mag-umpisa na ang laban nito.

Bandang ala-1:30 ng hapon, Australian time  ang inaasahang laban ni Pacquiao at Horn.

Sa Pilipinas naman inaasahan na bandang alas-11:00 o 11:30 mapapanood ng live ang event.

Hindi pa man nakakalabas ng hotel si Pacquiao buhos na ang mga Filipino fans at inaabangan ang paglabas ng Pinoy ring icon.

Sa kabilang dako, tahimik ang naging dinner ni Pacquiao kagabi kasama ang kaniyang pamilya.

Nagkaroon din ng fellowship kung saan ipinagdasal ng mga pastor si Pacquiao.