Kinumpirma ni Dr. Grace Padilla ang pagbubukas ng Baseco Hospital batay na rin sa naging pagpupulong ng Local Health Board.
Nilalayon ng hakbang na ito na tugunan ang pangangailangan ng residente para sa abot-kayang gamutan.
Ipinag-utos na rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapabilis sa proseso para mapakinabangan agad ang naturang ospital.
Maliban dito ay pinag-aaralan rin ang pag-convert ng lumang gusali ng Ospital ng Maynila bilang College of Medicine ng PLM na layong palakasin ang edukasyong medikal sa lungsod.
Sa ngayon ay patuloy na nagtutulungan ang iba’t-ibang ahensya para sa kalusugan at edukasyon ng mga Manileño.
Tiniyak rin ni Mayor Isko na magpapatuloy ang mga proyekto at serbisyo para sa lahat ng mga residente ng Maynila sa ilalim ng kanyang pamumuno.