-- Advertisements --
Inanunsyo ngayong araw ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na itinaas ng lokal na pamahalaan ang arawan bayad o jeep subsidy para sa mga tsuper sa Maynila.
Ginawa ng P4,000 ang ipinamamahagi sa mga kalahok sa programang ‘libreng pamasahe’ sa naturang lungsod na makaraa’y nasa halagang P3,500.
Maaalalang nang ito’y ilunsad nagsimula ito sa tatlong libong piso na itinaas ng 500 piso at muling dinagdagan ng 500 piso bunsod sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Kinunsidera kasi dito ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang P18 itinaas partikular sa presyo ng diesel ngayong Martes ng ika-7 ng Abril.
Ang pamamahagi ng apat na libong piso sa mga tsuper ay bilang tulong ng pmahalaan sa patuloy na pagsirit sa presyo ng gasolina.
















