-- Advertisements --
ressa

Ibinasura ng korte sa Manila ang motion for reconsideration (MR) ni Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler researcher sa cyber libel case.

Base sa 13-pahinang desisyon ng Regional Trial Court Branch 46 sa Manila ibinasura ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ang partial motion ni Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos.

Ito ay dahil pa rin umano sa kakulangan ng merito sa isinumite nilang MR.

Si Ressa at Santos ay sinintensiyahan nang hanggang anim na taong pagkakabilanggo noong buwan ng Hunyo dahil sa maanomalyang artikulo laban sa isang negosyante.

Pero ang dalawa ay nanatili namang nakalabas dahil nakapaglagak ang mga ito ng piyansa.

Maalalang naghain ng reklamo ang negosyanteng si Wilfredo Keng ng cyber libel complaint sa Department of Justice (DoJ) dahil sa 2012 Rappler article na isinulat ni Santos.