-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng Guadalajara 125 Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Italian player Nicole Fossa Huergo, 7-6(2), 6-2 sa quarterfinals.
Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala laban sa 30-anyos na Italian player subalit pagpasok ng second set ay nadomina nito ang laro.
Ang nasabing panalo ni Eala ay ilang oras matapos na talunin niya si Varvara Lepchenko ng US sa round of 16.
Susunod na makakaharap ni Eala si Kayla Day ng US na gaganapin sa araw ng Sabado.
 
		 
			 
        















