-- Advertisements --

Ikinasa ngayong araw ng Bureau of Immigration ang mass deportation ng 49 South Korean fugitives sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa kawanihan, katuwang ng Immigration Deportation and Implementation Unit ang South Korean Embassy sa pagbigay ng asiste maisagawa lamang ang deportasyon.

Binubuo ang mga naarestong pugante ng nasa 43 mga lalake at 6 naman mga babae.

Ibinahagi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang karamihan sa mga ito’y sangkot sa mga kasong panloloko sa bansang South Korea.

Kaya’t ani pa ng commissioner, prayoridad umano ng kawanihan ang kadyat na deportasyon ng mga ‘illegal aliens’ upang mapaluwag ang kanilang holding facility.

Habang kanya naming binigyang diin na ang hakbang ito’y nagpapakita ng mensaheng hindi lugar ang Pilipinas para sa mga puganteng dayuhan.

Babala niya’y papanagutin upang mapatawan ng pinakamabibigat na parusa ang sinumang dayuhan ang masasangkot sa pang-aabuso.