-- Advertisements --

Walang naitalang Filipino ang nasawi at nasugatan sa pagkadiskaril ng cable train sa Lisbon, Portugal.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs spokesperson Angelica Escalona matapos ang pakikipag-ugnayan nila sa Embahada ng Pilipinas sa Lisbon.

Patuloy din ang ginagawang pagmo-monitor ng Embahada doon sa mga developments.

Magugunitang nasa 16 katao ang nasawi at 21 ang sugatan ng madiskaril ang Gloria Funicular railway car.