-- Advertisements --

Tiniyak ni House Deputy Speaker at La Union Representative Paolo Ortega na walang mga ghost at substandard na flood control projects sa kanilang lugar dahil mahigpit itong binabantayan ng local na pamahalaan.

Ayon kay Ortega kanilang sinisiguro na ang bawat proyekto na pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay kanilang sinisiguro a na maayos ang implementasyon at nakumpleto batay a sa standard.

Pagsisiguro ni Ortega sa publiko na lahat ng public funds sa kaniyang distrito ay ginamit ng may transparency at accountability.

“Walang ghost projects sa distrito ko, sa La Union at pati buong rehiyon, walang palpak na flood control. Lahat ng proyekto, makikita at nagagamit ng tao. Hindi gawa-gawa, kundi konkretong serbisyo,” pahayag ni Ortega.

Sinabi ni Ortega kapag may nakikita silang mali sa implementasyon ng proyekto ay agad nila itong inaaksiyunan.

Tugon ito ni Ortega sa mga alegasyon na may mga mambabatas na mayruon umanong impluwensiya sa mga contractors.

Giit ng mambabatas ang nasabing akusasyon y unfair.

“Hindi kami pumipili ng contractor. Ang role lang ng kongresista ay ilapit ang pangangailangan ng tao sa pamahalaan. Kung mapagbigyan, DPWH na ang magpapatupad. Napakalinaw ng process,” paliwanag ni Ortega.

Bukas din ang kongresista sa anumang imbestigasyon.

“Dapat may mas malakas na coordination sa national at local. Hindi puwedeng may budget sa kalsadang maayos pa o inuulit ang flood project na tapos na. Sayang ang pera, sayang ang oras,” pahayag ni Ortega.