-- Advertisements --

Nagpasya ang Manila City Government na kanilang sasagutin ang kita sa kada araw ng mga jeepney drivers.

Ayon kay Mayor Isko Moreno , na bibigyan nila ng P3,000 ang bawat driver kada araw at kapalit nito ay ang libreng sakay sa mga Maynila.

Inaasahan na mahigit 1,400 na mga jeepney drivers ang sasali sa nasabing progama.

Nakasaad sa inilabas nitong Executive Order na ito ay tatakbo ng limang araw sa loob ng dalawang linggo kung saan ay Lunes at Martes sa unang Linggo at Lunes hanggang Miyerkules namansa susunod na linggo ang pasada ng kada drivers.

Maari din itong mapalawig ng programa depende sa pondo ng Manila City Government.

Makikinabang dito sa nasabing programa ang nasa 100,000 na pasahero kada araw.