-- Advertisements --

Naglunsad ng manhunt operations ang Philippine National Police (PNP) laban sa communist terrorist group na nasa likod sa pananambang sa convoy ng PNP kasama ang ilang health workers sa Samar na patungo sana sa Tacloban para mag pick-up ng Covid-19 vaccines.

Dahil dito, inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar si Police Regional Office (PRO 8) director, Brig. Gen. Ronaldo de Jesus na paigtingin ang opensiba laban sa mga lider ng CPP-NPA-NDF na nasa kaniyang areas of responsibility.

Sinabi ni Eleazar, hindi sapat na kundinahin lamang ang ginawang pag-atake ng komunistang grupo dahil hindi tinatablan ng hiya at masasakit na salita ang naturang grupo, kaya kailangan na ng pinalakas na opensiba para tapusin na ang terroristic activities ng grupo.

Batay sa report ng Rregion 8, pinaulanan ng bala ang convoy ng PNP at ilang tauhan ng Calbayog City Health Office sa may Barangay Lale, Pinabacdao, Samar.

Matapos umano ang pagpapaputok ng armas gumamit pa ng improvised explosive device (IED) ang komunistang grupo.

Wala naman naiulat na nasugatan sa nasabing pananambang.