-- Advertisements --

Inilatag ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete ang mga prayoridad sa pag-upo niya bilang pinuno ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Ayon sa 3-Star General, bahagi ng kaniyang strategic priorities ang masinsinang trainang and development, at pagprotekta sa kapakanan ng bawat sundalo.

Itutulak din nito ang pag-iral ng meritocracy o pagpapahalaga sa abilidad ng bawat sundalo, kasama ang pagbibigay ng oportunidad sa lahat; pagpapanatili sa disiplina at accountability kapwa mula sa mga opisyal ng PA hanggang sa mga nasa may mababang ranggo.

Nais din ng heneral na magkaroon ng komprehensibo at mas matatag na military function mula sa hanay ng military Intelligence; Operations; Logistics; Command and Control, Communication and Cyber Systems (C4S); Civil-Military Operations; at Financial Management.

Nangako rin ang heneral na pagtutuunan niya ng pansin ang kapakanan ng mga reservist ng PA bilang katuwang sa iba’t-ibang civic programs ng hukbo.

Ngayong lingo ay opisyal na nagsimula ang 3-Star General bilang commander ng Philippine Army kapalit ni Lt. Gen. Roy Galido.

Kasunod ng pag-assume sa pwesto, agad din siyang nagsagawa ng Command Conference kasama ang mga matataas na opisyal ng PA.

Pangunahin sa kaniyang marching order sa hukbo ay ang gampanan ng 110,000 miyembro ng PA ang kanilang misyon at maging responsableng bahagi ng AFP Unified Command