Nagsimula na ang manhunt operation ng Quezon City Police District (QCPD) para ipatupad ang mga arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan laban sa mga sangkot sa anomalous flood control scandal.
Saklaw ng mga warrant ang mga kasong Anti-Graft and Corrupt Practices, Malversation of Public Funds through Falsification of Public Documents, at iba pang kaugnay na paglabag.
Kaugnay nito naaresto na ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 23, ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang engineer na sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Acting District Director PCol. Randy Silvio, patuloy nilang minomonitor at bineberipika ang mga sangkot.
Nauna nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang broadcast na ang mga responsable sa anomalous flood control projects ay mapaparusahan at makukulong bago mag-Pasko.















