CENTRAL MINDANAO – Tukoy na umano ng mga otoridad ang bumaril-patay sa isang mamimili ng bakal at bote sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Alexander Manuel na residente ng Barangay Tambak Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Sultan Kudarat police provincial office na habang sakay ang biktima sa kanyang traysikad at namili ng bakal at bote sa Purok 4, Barangay Tinaungan President Quirino, Sultan Kudarat ay bigla lamang itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Maguindanao.

Patay on the spot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa pamamaril patay kay Manuel.