Tsukasa Akimoto
Tsukasa Akimoto/ IG post

Arestado ang isang mambabatas sa Japan dahil sa alegasyon ng pagtanggap ng pera mula sa gambling operator.

Si Tsukasa Akimoto ay inakuasahan ng pagtatanggap ng aabot sa $34,000.

Mariing itinanggi naman ng 48-anyos ang insidente ay sinabing walang anumang kapalit na pabor ang nasabing pagtanggap nito ng pera.

Inaresto rin ng mga otoridad ang tatlong empleyado ng hindi na pinangalanang casino operators para sa casino bid.

Maraming mga political analyst naman sa Japan ang nagsabing ang nangyaring pagkakaaresto sa miyembro ng gabinete ni Prime Minister Shinzo Abe ay mababahiran ang kampanya nito sa mga casinos.

Marami kasing mga mamamyan sa Japan ang di sang-ayon at kumukontra sa pagbubukas ng mga casino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here