Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng Valiram Group, isang Malaysian retail specialist habang ito ay nasa Singapore.
Napag-usapan sa pulong ang plano ng kumpanya na magtayo ng duty-free retail outlets sa mga airport ng Pilipinas sa susunod na limang taon.
Inihayag ng Valiran Group na kanilang tinitignan pagpapalawak ng mga operasyon nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbuo ng mga airport outlet para sa duty-free retail tourism.
Ayon sa isang opisyal ng Valiran, nais nila dalhin sa Pilipinas ang kanilang tagumpay sa Southeast Asia.
Ipinagmalaki ng kumpanya na mayruon sila ng 500 stores kaya nais nilang pumasok dito sa Pilipinas ng sa gayon kanilang maitampok ang mga produkto na gawa ng Pinoy.
Kabilang sa mga priyoridad ng pagpapaunlad ng Valiram ay ang pagkakaroon ng duty-free na may access sa mga paliparan.
Ang kumpanya ay nagtatayo ng higit pang mga airport walk-through na tindahan na naka-personalize upang mabigyan ang mga customer ng isang kaaya-ayang karanasan sa pamimili.
Sinabi ng opisyal na nais nilang dalhin ang karanasan ng customer sa ibang antas, lalo na sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas maraming espasyo sa mga gateway ng bansa, pag-alis ng stress at abala sa mga pagsusuri sa seguridad.
“I think you need to have these pockets of spaces that are dedicated for luxury travel retail, and you can have all the categories, whether its fragrance, cosmetics, tobacco, you know, fashion and accessories. Watches is also a big business in airports as well,” pahayag ng isang opisyal ng Valiram.
Kinilala ng Pangulong Marcos na ang retail na negosyo ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ngayon partikular sa industriya ng turismo.
“It’s an important sector of the economy. It’s what’s driving the economy now, it’s consumer spending. I always say this: not all Filipinos are Ilocanos. Ilocanos don’t spend,” pahayag ng Pang. Marcos.