Naobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) ang pagkakabuo ng malalaking bulto ng mga maiitim na lava sa bunganga ng bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, lumitaw ang mga ito sa pinakatuktok ng bulkan na tuloy-tuloy na naobserbahan mula pa noong Disyembre-8.
Paliwanag ng ahensiya, ang paglitaw ng mga malalaking bulto ng lava ay nagpapakita sa presensiya ng mga bago at mababaw na magma sa ilalim ng naturang bulkan.
Hindi rin inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na nabubuo na ito sa mga nakalipas pang lingo.
Dahil dito, lumubo pa ang bilang ng mga naitalang rockfall event sa naturang bulkan.
Mula kasi sa average na tatong rockfall event sa kada araw mula Enero hanggang Nobiyembre 2025 ay umangat na sa 16 rockfall event kada araw ngayong buwan ng Disyembre.
Nananatili rin ang posibilidad na lalong lumala ang sitwasyon, kasama na ang posibilidad ng panibagong pagputok ng naturang bulkan.
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng naturang bulkan na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1.
















