-- Advertisements --
“Malaking bahagi ng suplay ng COVID-19 vaccine ay darating sa bansa sa third at last quarter ng 2021.”
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, inaasahan na nasa limang milyong doses ng bakuna lamang ang darating sa first quarter ng taon habang ang 24 milyon doses ay inaasahan na darating sa second quarter ng taon.
Dagdag pa nito, patuloy ang kanilang pakikipagnegosasyon sa British government ganon din sa China, India at Russia na kung maari ay dagdagan ang bilang ng bakuna na ipapadala sa unang quarter ng taon.
Kasama na sa darating sa last quarter ay ang bakuna na mula sa World Health Organization (WHO) programme na Covax.
Inaasahan na makakatanggap ang bansa ng kabuuang 161 milyon doses ng COVID-19 vaccine sa katapusan ng 2021.