-- Advertisements --

Panibagong Low Preassure Area (LPA) ang nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang alas-8 ng umaga nitong linggo, Agosto 31, na matatagpuan sa 675 kilometro, silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa state weather bureau.

Bagama’t mababa ang tsansa nitong maging bagyo sa susunod na 24 oras, inaasahang kikilos ito pa-northwest sa Philippine Sea at magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang sa gitna ng linggo, kasabay ng epekto ng habagat o southwest monsoon.

Narito naman ang mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan (50-100 mm):

LINGGO

  • Quezon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Northern Samar
  • Occidental Mindoro
  • Antique
  • Negros Occidental

LUNES

  • Quezon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Occidental Mindoro
  • Romblon
  • Aklan
  • Antique

Samantala, localized thunderstorms ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.

Wala namang itinaas na gale warning, ngunit binalaan ng weather bureau ang mga mangingisda sa western Luzon sa posibleng katamtamang pag-alon na maaaring umabot sa 1.2 hanggang 1.8 metro ang taas.