-- Advertisements --
Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko kaugnay sa napaulat na isang Chinese national na nag-panggap bilang Pilipino, at naging bahagi pa ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).
Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni Communications Usec Claire Castro na una na ring tinaggal sa serbisyo ang indibidwal, at nagpapatuloy ang imbestigasyon dito.
Aniya, hindi dapat mag-alala ang publiko, dahil civil organization ang PCGA.
Ibig sabihin, sinoman ang maging kasapi nito, kahit pa dayuhan, ay pagtulong o pagbibigay relief lamang naman sa mga nangangailangan ang gagampanang mandato.
Wala aniyang kinalaman ang PCGA members sa PCG operations, hindi rin aniya sila sumasampa sa barko, at wala rin silang alam sa anomang operasyon ng Coast Guard.