“Unfair” ang mga banat ni Navotas Rep. Toby Tiangco kay House Appropriations Committee Chairman at Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing.
Ito ang pananaw ni Manila Representative Bienvenido Abante.
Sini-single out kasi ni Tiangco si Suansing sa isyu ng House “small committee.”
Sinabi ni Abante matagal ng nasa Congress si Tiangco bakit ngayon lamang ito nagsalita na dapat ay nuon pa kung nais nito ng reporma.
Ipinunto ni Abante na na hindi dapat i-single out ni Tiangco si Suansing lalo at matagal ng nag exist ang small committee.
Giit ni Abante, kawawa naman si Congresswoman Suansing dahil siya ay batang-bata na legislator at hindi naman siya ang chairman ng komite ng binuo ang small committee.
Nauna nang inihihirit ni Tiangco ang isyu ng transparency at nananawagan na ilabas ang mga record ng small committee na kaniyang inilarawan na nagkaroon ng “magic” sa alokasyon ng mga pondo.
Umalma din si Abante sa mga banat ni Tiangco at sinabing “misplaced ” ito dahil ang pagtalakay sa small committees ay hindi na bago lalo at si Tiangco ay matagal na ring mambabatas at kung tutol siya nuon pa man din ay umalma na siya.
Nag-ugat ang isyu sa mga palitan sa maagang talakayan sa 2026 budget, kung saan iniulat na pinilit ni Tiangco si Suansing sa record ng small committee dahil sa kawalan ng opisyal na dokumentasyon bilang patunay na ang komite ay gumana nang walang tamang pananagutan.