Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang ating mga kababayan na buboto sa halalan sa darating na Lunes, May 12,20025 na maging mapanuri at mapagmatyag lalo at kaliwat kanan ngayon ang paglipana ng mga pekeng balita sa ibat ibang social media platforms.
Pina-alalahanan naman ni Palace Press Officer USec. Claire Castro ang mga botante na huwag ibenta ang kanilang dignidad at maging ang bansa sa ibang bansa na may interes sa ating teritoryo at soberenya.
Partikular na tinumbok ni USec. Castro ang pagiging keyboard warrior na ang tanging trabaho ay magpapakalat ng mga fake news, siraan ang Pangulong Marcos para maging negatibo ito sa taumbayan.
Payo din ng Palasyo sa publiko iwasan ang panunuod at makinig sa mga content na bumabatikos sa pamahalaan na walang ebidensiya.
Binigyang-diin ni USec Castro na bukas ang gobyerno sa mga batikos lalo at kung ito ay may ebidensiya.
Hiling ng Malakanyang sa publiko labanan ang fake news at bantayan ang mga fake news peddlers.