-- Advertisements --

Kinalampag ni Senadora Risa Hontiveros ang Palasyo Malakanyang na sertipikahan bilang urgent ang panukalang dagdag na PHP100 daily minimum wage para sa mga mangagawang Pilipin

Ang panawagan ni Hontiveros kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay kasabay ng paggunita ng labor day ngayong araw. 

Giit ng senadora, kinakailangan na maipasa ang panukalang umento ng sahod bago mag-adjourn ang 19th Congress. 

Ipinaliwanag ni Hontiveros na kapag natapos aniya ang 19th congress nang hindi naipapasa ang wage hike bill, back to zero o balik sa umpisa ang trabaho para rito. 

Sa bawat araw aniya na walang umento patuloy na lumulubog sa kumunoy ng kahirapan ang mga manggagawang Pilipino. 

Aminado naman ang senadora na hindi sapat ang umentong P100 at P200 kung ikukumpara sa taas ng mga bilihin — ngunit mahalagang hakbang ito tungo sa sahod na makabubuhay sa ating mga pamilya.