Aabot sa mahigit P18 milyon ang kabuuang yaman ni Senadora Risa Hontiveros, base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para sa taong 2024.
Si Hontiveros ang unang senador ng 20th Congress na nagsapubliko ng kanyang buong ari-arian.
Base sa SALN o dokumentong isinumite ni Hontiveros, nasa P19.88 milyon ang kabuuang halaga ng kanyang mga ari-arian, kabilang ang tatlong real properties na may halagang P8.73 milyon at personal na ari-arian gaya ng mga sasakyan, cash deposits, alahas, furniture, at mga libro na umabot sa mahigit P11 milyon.
Tanging isang utang lamang ang nakasaad sa SALN — isang car loan na nagkakahalaga ng P897,840.
May negosyo o financial interest din si Hontiveros sa tatlong kumpanya: isang dive resort kung saan stockholder siya, isang rural bank kung saan miyembro siya, at isang wholesale trade company kung saan miyembro rin siya.
Wala ring naiulat na anak na menor de edad, at wala siyang kamag-anak sa gobyerno.
Ang nasabing paghahain ay bahagi ng patuloy na pagsunod ni Senadora Hontiveros sa transparency at pananagutan bilang lingkod-bayan.