Tiniyak ng Makati City Government na matatapos na nila ang lugar kung saan ilalagay ang bibilihin nilang 42 biomedical refrigators at laboratory freezers.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na ilalagay ang nasabing mga storage facilities sa City Hall quadrangle.

-- Advertisement --

Target ng Makati Health Department (MHD) na tapusin ang nasabing preparation ng site sa susunod na linggo.

Mayroon ng 31 vaccination sites ang lungsod na kabilang ang 24 public schools, anim na barangay at Ospital na Makati.

Kasabay din nito ay ilulunsad ng lungsod ang online registration portal para malaman kung ilang ang maaring maturukan ng COVID-19 vaccine.

Nauna ng inanunsiyo ng Makati City government na bukod sa mga residente ay kabilang din ang hindi residente basta nagtatrabaho sa lungsod.