AIRBINAAYS
-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang Makati City government sa supplier at manufacturer na gumawa ng sapatos ng lungsod na kanilang ipinapamigay sa mga mag-aaral.

MYMAKATI
My Makati FB post

Ito ay para imbestigahan ang kumalat na balita na ibinebenta ito sa isang mall sa Saudi Arabia.

Makikita sa Facebook post ng Makati LGU na katulad din ng sapatos nilang Air Binay 3.0 rubber shoes ang ibinebenta sa halagang 24 Saudi Rial o katumbas ng mahigit P300.

Binalaan nila ang mga grupo o indibidwal na may karampatang kaparusahan ang sinumang gagamit ng kanilang city seal.